Rebyu ng “Titser Pangkalawakan” ni Joselito Delos Reyes

Kung nakatapos ang tatay ko sa pag-aaral, siguro posible rin siyang maging guro. Magaling siyang magkuwento ng kababalaghan at kalokohan sa mga gabing walang kuryente noong bata pa kami. Mahilig siyang magbasa at magbahagi ng kanyang binasa. Dahil sa kanya, nahilig din ako sa pagbabasa. Marami pang bagay ang naituro niya sa aming magkakapatid lalo na sa pagtatanim ng halaman at sa pakikipagkapwa-tao. Ang pinakamahalaga sa lahat ng kanyang itinuro ay mabuhay nang may dangal at may takot sa Diyos.

Kaarawan niya ngayon. 54-anyos na ang tatay ko at malakas pa ding magbarik. Pero bago siya malasing ngayong gabi, kinunan ko muna siya ng litrato nang nagbabasa ng mga istatus ni Sir Joselito D. Delos Reyes sa librong Titser Pangkalawakan. Inihandog ko ito bilang regalo sa kanya kaninang umaga kaya nasimulan na niya basahin ang mga unang pahina. Malakas ang tama sa kanya ng mga istatus ni Sir Jowie noon pa man kaya nararapat lang na magkaroon muli siya ng aklat.

Titser Pangkalawakan si Sir Jowie. Ang tatay ko, titser ang mga anak sa kalawakang ito, at sa aking pananaw, titser din siya hindi man sa kalawakan ngunit sa sarili niyang tahanan.

Maligayang kaarawan Tatay! Itagay na yan!

Originally Posted in FB on July 31, 2015.

IMG_20150731_195503